Sa ilalim ng programa at pakikipagtulungan ng mga kawani ng Depart of Foreigh Affairs at City Government of Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla nagkaroon ng pagkakataon maproseso ng mga Bacooreño ang kanilang mga passport. Dito dadaan sa data capture process ang mga aplikante kagaya ng picture taking, biometrics, at signing ng aplikante at ang kanilang passport ay ipapadala mismo sa kani-kanilang bahay.
Isa lamang ito sa mga serbisyong nakaplano pra sa lungsod na naglalayong ilapit sa mga mamamayan ang iba’t-ibang government services.