Sa pagdiriwang ng Ika-28 Anibersaryo ng TESDA, pinangunahan ni TESDA Deputy Director General for TESDA Operation Aniceto “John” Bertiz III kasama si Mayor Strike B. Revilla at si Miss Jocelyn Ricardo kinatawan ng 2nd District Representative Lani Mercado Revilla, ang ribbon cutting bilang pagbubukas ng “World Café of Opportunities” (WCO) na handog ng TESDA Region IV-A (CALABARZON). Ito ay ginanap sa Main Square Mall, Bayanan, City of Bacoor ngayong araw, Agosto 22, 2022.
Ang WCO ay naglalayong matulungan ang mga TESDA graduates na naghahanap ng oportunidad upang makapagtrabaho at makapagnegosyo.
Nagkaroon din dito ng TRADE FAIR kung saan tampok ang iba’t – ibang produktong gawa sa lungsod.