ang inyong lingkod ay nabakunahan na kaninang hapon. Lubos ang aking pasasalamat sapagkat ang bakuna ay dagdag proteksyon laban sa virus. Sinovac ang ginamit na bakuna sa akin at kasabay ko ang kapwa ko mayors at si Governor Jonvic.
Ayon sa ating gobernador, mas magiging masigasig at paiigtingin pa ang ating vaccination program sa buong lalawigan.
Sa mga nagdaan na araw, nananatiling mataas ang Covid-19 cases sa ating lungsod. Sa kabila nito, tuloy ang ating trabaho at paninilbihan para sa kaligtasan ng lahat.
Aking muling pinapaalalahanan ang mga mahal kong Bacooreño na magsuot ng face mask, face shield, at sumunod sa social distancing. Manatili sa inyong mga tahanan kung di rin lang essential ang lakad.
Akin din pong hinihikayat ang kapwa ko Bacooreño na magrehistro online para sa inyong Covid-19 vaccine shot.
#BacoorYesSaBakuna
SHARE
Previous articleNurse – Vacant Positions
Next articleAYUDA UPDATE