Ayon sa resulta ng Aggressive Community Testing ng National Task Force-Coordinated Operations to Defeat Epidemic Team para sa mga residente ng Pulo sa Brgy. Maliksi 3 noong November 17, 2020, may 11 bagong kaso ng Covid-19 sa nasabing lugar. Ang mga residente ay nakatakda sanang mailipat sa NHA Housing Project sa Naic, Cavite. Ang 11 Covid-19 patients ay naka-quarantine na sa kasalukuyan.
Dahilan dito, idenedeklarang CRITICAL ZONE ang Pulo sa Brgy. Maliksi 3 at paiiralin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) rules sa lugar simula alas-dose ng hatinggabi ng November 21 hanggang alas-4 ng madaling araw ng December 4.
Ang mga naninirahan sa lugar na ito ay istriktong STAY AT HOME maliban sa mga Authorized Persons Outside Residence o APOR. Titiyakin ng PNP at Barangay officials na maipatupad ang mga panuntunan ng ECQ sa nasabing lugar.