Masaya at punong-puno ng pag-asa ang mga kabataan ng Strike Halfway House sa kanilang pagtatapos ng Computer Literacy Training na isinagawa ng Bacoor Computer Center. Dalawampu’t limang (25) residente, kasama na ang mga House Parents at Admin staff, ang matagumpay na nakapagtapos ng pag-aaral ng Microsoft Word, Excel, PowerPoint, at Canva noong nakaraang araw, Hulyo 16, 2024.
Ang computer literacy training na ito ay bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan ng Bacoor na naglalayong mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang mga kabataan ng Strike Halfway House na maaari nilang magamit sa kanilang hinaharap at kabuhayan.
Labis naman ang pasasalamat na ipinaabot ng mga ito kay Mayor Strike B. Revilla, sa DICT Region IVA – Cavite, sa Bacoor E-Governance Department, at sa Bacoor City Social Welfare Development Department sa paghahatid ng makabuluhang programang ito sa kanilang tahanan.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.