Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang personal na pagdalaw sa opisina ng OSCA, PWD, at Solo Parent ID sa Lower Ground Floor ng Bacoor Government Center ngayong araw.
Layunin ng pagbisitang ito na masigurong mabilis ang proseso at pagkuha ng mga identification cards para sa mga senior citizens, PWDs, at solo parents.
Kasama ang mga kawani ng OSCA, PWD, at Solo Parent ID, kasabay ng mga aplikante ng mga nasabing ID, nagpakita ng suporta si Mayor Strike sa proseso ng aplikasyon. Sa loob lamang ng ilang minuto kung kumpleo lamang ang mga kinakailangang dokumento, agad na maaaring makuha ang Senior Citizens ID, PWD ID, at Solo Parent ID.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.