Ang Public Event Registry ay binuo ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor alinsunod sa Executive Order No. 17-2023 na naglalayong i-monitor lahat ng public events sa lungsod upang maiwasan ang mga aksidente, public disturbances, traffic jams, atbp.
Ayon sa naturang Executive Order, “a public event shall refer to activities open to and may be attended by the general public and which include concerts, motorcades, parades, rallies, races, marketing campaigns, mall-sponsored activities such as expositions, fairs, festivals, entertainment, cause-related, fundraising or leisure events, extracurricular activities of schools or learning institutions, religious processions, funeral processions and the likes to be held on public roads and other public outdoor spaces”.
Mga hakbang para maregister ang inyong event:
1. I-notify ang nakakasakop ng barangay kung saan gaganapin ang public event sa pamamagitan ng pormal na sulat.
2. I-register ang event sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code sa post na ito at pag-fill out ng online form. Maaari mo rin bisitahin ang Google Form link para magregister – https://docs.google.com/…/1FAIpQLScyEUJIwKU…/viewform…
3. Hintayin ang feedback ng Public Event Secretariat patungkol sa niregister na event.
Paalala: Kailangang mai-register ang event PITONG ARAW bago ito maganap.
Para sa mga katanungan, tawagan lang ang 481-4115 o magmessage sa page na ito.
Maraming salamat po.