Inaanyayahan ang mga Compliance Officer, Secretary, at Book Keeper ng lahat ng rehistradong Kooperatiba sa City of Bacoor na dumalo sa LIBRENG pa-SEMINAR ng City Government of Bacoor katuwang ang Office for the Development of Cooperative.

Gaganapin ang LIBRENG CDA COMPLIANCE SEMINAR sa Revilla Hall ng Bacoor Government Center bukas, April 3, 2024 (Miyerkules) mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

LAST CALL NA PO ITO!

Kaya mag-register na agad! I-click ang linkna ito: https://forms.gle/a9ANMK3qbr6mHcFZ9

Layunin ng Seminar na ito ang mga sumusunod:
– Matulungan ang mga miyembro ng kooperatiba sa ating Lungsod sa tamang paggawa ng compliance report ng isang kooperatiba.
– Alalayan ang mga miyembro ng kooperatiba sa ating Lungsod sa tamang paggamit at pagproseso ng kanilang mga online submission gamit ang Cooperative Assessment Information System (CAIS).
– Mapalawak ang kaalaman ng mga miyembro ng kooperatiba sa ating Lungsod patungkol sa Republic Act 9520, Article 53, Reports.
– Mas mapaunawa sa mga miyembro ng kooperatiba sa ating Lungsod sa kahalagahan ng pag-comply sa mga required reports ng kanilang opisina.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Mag-register na! Para sa mga nagparehistro ng mga participants, huwag kalimutang magdala ng laptop na kakailanganin sa libreng pa-seminar bukas.

Hangad naming mapahusay ang bawat Kooperatibang Bacooreño dito sa ating Lungsod kaya naman LET US STRIKE AS ONE, DAHIL SA BACOOR, AT HOME TAYO LAHAT DITO!