Sa layuning butihin si Mayor Strike B. Revilla na magbigay-pugay at magkaloob ng karagdagang suporta sa mga matatanda sa Bacoor, isinagawa ang isang espesyal na pagdiriwang na naglalayong magdala ng kaligayahan at suporta sa ating mga centenarian. Ito ay pinangunahan ng Office of the Provincial Social Welfare and Development Officer (OPSWDO) kasama ang kinatawan ng LGU Bacoor, ang OSCA at CSWD, kung saan nagbigay sila ng 50,000 pesos na cash gift sa ating mga centenarian. Kasama sa mga dumalo sina Ms. Lynn Andrea Escobar, Mr. Jun Pagarita ng OPSWDO, Mr. Christian Avilla ng OPTO, at sina Jasmine Daria, Nenita Reyes, at Marygel Raymunda Sornet ng LGU Bacoor na naglaan ng kanilang oras at pagmamalasakit upang tiyakin ang tagumpay ng programa.
Ang mga nabigyan ng cash gift ay sina:
1. Feliciana F. Asuncion ng Salinas 1
2. Corazon B. Jao ng Molino 1
3. Rosila P. Medina ng Bayanan
4. Pastora G. Vila ng Molino 2
5. Lucia V. Tabor ng Salinas 1
Ang programa na ito ay hindi lamang isang simpleng aktibidad kundi isang pambihirang pagkakataon upang magbigay-pugay at maglaan ng tulong sa ating mga centenarian, pinagtibay ito ng Provincial Ordinance No. 184 Series ng 2017, kung saan dapat bigyan ng cash gift ang mga centenarian sa Cavite. Hindi maitatanggi na malaki ang ginampanan nilang papel sa ating komunidad at nagsisilbing inspirasyon na maaari nating makamit ang ganung edad kung pangangalagaan natin ang ating katawan at wastong pagkain.
Maraming Salamat po.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.