Noong March 21, 2024 pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang Blessing ng bagong Multipurpose ( Covered Court ) sa Coastal Woods Village, Barangay Ligas 1, Bacoor City, Cavite. Ito ang pangarap na binigyang katuparan ng Pamahalaang Lungsod para sa mga residente ng Ligas 1.
Dumalo rin sila Councilor Rey Fabian, Councilor Alex Gutierrez, Pastor Sam Baldon, HOA Officials, SK Chairman Gadwin, Senior Citizen, Barangay Officials ng Ligas 1, Former Brgy. Kap Delphine Pascual at Kap. George Medina na siyang nagpasalamat sa lahat ng tumulong para magkaroon ng Multipurpose Covered Court ang Coastal Woods Village.
Sa mensahe ni Mayor Strike B. Revilla binigyang diin nito ang mga ordinansang patuloy na ipinapatupad ng Pamahalaang Lungsod para maging ligtas ang bawat isang Bacooreño. Pinaalala rin nito ang mga programang makakatulong sa mga Bacooreño.
Sa huli, nagpapasalamat ang mga residente ng Ligas 1 sa ating mahal na Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Cong. Lani M. Revilla, Agimat Partylist Cong. Bryan Revilla, Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola sa walang sawang pagtulong sa mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.