Noong March 20, 2024, patuloy pa rin ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa mga Bacooreñong benipisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na programa ng DSWD.
Sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani M. Revilla, Cong. Bryan Revilla, BM Ram Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola at ng Sangguniang Panlungsod Members ay nabigyan ng pinansyal ang mahigit dalawang libong Bacooreño mula sa sektor ng Simbahan, NGO’s, at Parent Teacher Association.
Nagkaroon rin ng Lecture na pinangunahan ng Bureau of Fire at BDRRMO para magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga Bacooreño pag dating sa sakuna.
May minsahe ring iniwan sila Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Cong. Lani M. Revilla, Cong. Bryan Revilla para sa mga Bacooreño.
Sa huli, sa minsahe ni Mayor Strike B. Revilla pinaalala nito ang mga programa, proyekto na patuloy na ginagawa ng Pamahalaang Lungsod. Binigyang diin rin nito ang Paleng-QR PH at mga ordinansang patuloy na ipinapatupad sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.