Punong-puno ng sigla at pag-asa ang isinagawang Flag Raising Ceremony noong October 16, 2023, sa pangunguna ng City Livelihood and Development Office (CLDO) sa pamumuno ni OIC Atty. Aimee Torrefranca-Neri katuwang ang City of Bacoor Vendors Association (CBVA) sa pamumuno naman ni Ms. Katherine Valbuena.
Sinimulan ang programa sa pambungad na pananalita na handog ni City Councilor Adriel Gawaran. Sinundan ito ng pagpapakilala sa mga batang Bacooreño na naging pambato ng Pilipinas sa ginanap na 40th Annual Japan Karate-do Hakuakai Championships sa Itabashi City, Tokyo, Japan. Sila ay nag-uwi ng mga medalya at mga sertipiko na talaga namang nakapagpabilib sa mga manonood.
Agad din naman itong sinundan ng Awarding of Seed Capital sa tatlong Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa mga Fisherfolks Associations sa ating Lungsod na siguradong makakatulong sa kanilang mga isasagawang proyekto.
Ibinahagi rin ng CLDO ang kanilang Accomplishment Report sa pamamagitan ng Audio-Visual Presentation. Pagtapos nito, ipinresenta naman ang mga parangal na natanggap nina Mayor Strike B. Revilla, OSCA Head Atty. Venus De Castro, at Federation of Senior Citizen President Ms. Nenita Reyes, mula sa National Commission on Senior Citizens at Office of the President noong nakaraang October 7, 2023.
Naghandog naman ng isang energetic intermission number ang mga staff mula sa CLDO na siyang nagbigay-aliw sa madla. At panghuli, inilahad ni Mayor Strike B. Revilla sa kanyang espesyal na mensahe ang mga pangyayari noong nakaraang linggo. Narito ang ilan sa mga ito:
1. Groundbreaking Ceremony ng Super Health Center sa Brgy. Maliksi 2
2. School-based Feeding Program sa Bayanan Elementary School
3. Youth-for-Youth Teen Trail ng CPO sa BHNS Molino
4. Pagpupulong kasama ang Local School Board
5. Pagpupulong kasama ang 47 TODA Associations at Opisyales ng Transport Groups
6. Pagpupulong kasama ang GSIS President and Gen. Manager Wick Veloso
7. Teachers’ Month Celebration
8. Free Rabies Vaccination sa Queensrow East
9. Mass Wedding last October 11, 2023
10. Blessing of Multipurpose Hall sa Brgy. Ligas 1
11. Pagbisita kay Lola Julia San Jose – isang Centenarian
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.