Isinagawa noong October 8, 2023, ang Inauguration and Blessing Ceremony Covered Court na ginanap sa Soldiers Hills Phase 1, Molino VI.
Pinangunahan ni Pastor Sam Baldon ang banal na pagpapala ng Bagong Covered Court na sinuportahan ng buong puso ni Congresswoman Lani Mercado Revilla.
Ang bagong imprastraktura ay layunin na makapagbigay ng maayos na serbisyo sa Homeowners Association Soldiers Hills Phase 1. Kaya tuwang tuwa ang mga residente sapagkat hindi lamang ito magagamit sa ibang paraan ngunit mabigyang pansin ang larangan ng sports na kung saan maaring magsanay at maglaro ang mga kabataan.
Sa proyekto na ito, katuwang ni Congresswoman Lani Mercado Revilla ang ating ama na si Mayor Strike Revilla, Sen. Bong Revilla Jr., Cong. Bryan Revilla, BM Ram Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola kasama na rin ang Department of Public Works and Highways, House or Representatives at Agimat Party List.
Ang naganap na ceremonial blessing ay dinaluhan nina, Ms. Kaye Sanchez upang ikatawan si Mayor Strike B. Revilla, Hon. Semplecio Dominguez, Ms. Lorna Collado (Miclover General Construction), Engr. Regine Estingor (DPWH Cavite 3rd District Engr. Office), HOA Officials Soldiers Hills Phase 1, Citizens of Soldiers Hills Phase 1 at Brgy. Council of Soldiers Hills Phase 1, Molino VI.