Noong August 16, 2023, isinagawa sa Revilla Hall ang Barangay Health Workers (BHW) Training sa pangunguna ng City Health Office sa pamumuno Dra. Ivy Yrastroza.
Layunin nito na magbigay ng kaalaman ukol sa Barangay Health Workers’ Reference Manual upang mapanatiling alerto at updated ang mga Barangay Health Worker na mula sa iba’t ibang barangay ng ating Lungsod.
Tinalakay sa training na ito ang kahalagahan ng mga sumusunod:
1. Basic Competency – BHW & their Barangay Roles, Policies of Health, Effective Communication, Workplace Problems & Solution, Occupational Safety & Health
2. Common Competency – BHW as First Responders, Responding to Difficult Behavior, Maintaining High Standard of Care Infection Prevention & Control, First Aid, Halamang Gamot, Community Mobilization, DRRM
3. Core Competency – BHW as Primary Care Provider
Gayunpaman, kanila ring binigyang pansin ang pagkain nang tama, environment na maaring magdulot ng mga malalalang sakit, mental health, safe sex at iba pa.
Dinaluhan ito ng higit 100 na participants na mula sa 73 barangays ng Bacoor City. Dahil sa Bacoor, prayoridad natin na makapagbigay ng magandang serbisyo para sa kalusugan ng bawat residente.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.