Nagkaroon ng CS noong August 8, 2023, sa Revilla Hall, sa pangunguna ng Department of Human Resource sa pamumuno ni Ms. Natividad Ople at ng Civil Service Commission sa ilalim naman ni CSC Director Maria Theresa R. Poblador.
Sa pamamagitan ng pagsasanay at oryentasyon na ito, masisiguro ang kahusayan at integridad ng mga test administrator para sa gaganaping Civil Service Examination.
Ito ay dinaluhan nina Mayor Strike B. Revilla, OIC Schools Division Superintendent Dr. Babylyn M. Pambid, CESO VI, kasama ang mga representante mula sa mga paaralang pagdadausan ng nasabing pagsusulit.
Ilan sa mga ito ang Bacoor National High School Main Campus, Bayanan Elementary School, Ligas 1 Elementary School, Molino Elementary School, at San Nicolas Elementary School.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.