Isa sa prayoridad ni Mayor Strike B. Revilla ay mabigyan ng trabaho ang mga Bacooreño, dahil marami sa Bacoor ang walang trabaho ang programang “Strike a Job Fair” ay idinaos sa SOMO – A Vista Mall, Daanghari, Molino 4, katuwang ang Public Employment Services Office (PESO) sa pamumuno ni Dr. Abraham “Bob” De Castro, ngayong araw.
Nakilala ang PESO-Bacoor na maraming “HIRED ON THE SPOT” kaya hindi mapagkakaila na mahigit dalawang-daan katao ang nagparehistro at nadagdagan pa ito dahil sa mga “walk in’s.”
Maraming trabaho ang pwedeng applayan ng mga aplikante dahil mayroong iba’t-ibang serbisyong handog para sa mga ito, gaya ng Admin, Technical, Driver, Food and Beverages, Housekeeping, at marami pang iba.
Mapalad ang Bacoor dahil dumalo si Provincial Director Mavic Martinez ng Department of Labor and Employment (DOLE ) – Cavite, Board Member Ram Revilla Bautista, at Vista Mall Administrators. Nakasuporta rin si Vice Mayor Rowena B. Mendiola at ang bumubuo ng Sangguniang Panglungsod ng Bacoor.
Nagpasalamat si Mayor Strike B. Revilla sa mga kumpanya na naging bahagi ng programa at sa mga ahensiya na tumulong para mapabilis ang proseso ng kanilang pag-apply gaya ng SSS, PAG-IBIG, at Phil-Health.
Hangarin ng ating Mayor Strike na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga Bacooreño sa trabahong kanilang paghuhusayan.
We Strike as One sa pagbangon mula sa pandemya. Dahil sa Bacoor at Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Maraming salamat po.