Nagsimula na rin ang Kalinga sa Matanda program na nagbibigay ng 1,000 pesos na cash incentive sa lahat ng mga Bacooreñong senior citizens. Ito’y sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa pamumuno ni Ma’am Lilianne Ugalde kasama ang ilang ahensya ng pamahalaang lungsod.
Ang cash gift na ito ay nagsisilbi ring dagdag na suportang pinansyal sa pang-araw-araw na gastusin ng mga seniors at pagmamalasakit sa kanilang pamumuhay bilang mga nakatatandang mamamayan ng lungsod.
Ang distribusyon ay naging extra special pa sa masaya at festive mood dala ng mga palaro, makeover, at mga dance numbers at raffle, na dinaluhan din ng mga city councilors.
Ang aktibidad ay tila nagsilbing early Christmas Party para sa mga Bacooreñong senior citizens handog ni Mayor Strike B. Revilla at ng buong City Government of Bacoor.