Sa flag raising ceremony kaninang umaga, nagbigay ng presentation ang City Agriculture Office na pinangungunahan ni Allan Chua ukol sa kanilang mga accomplishments.

Binigyang pugay naman ng mga opisyales ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Lani Mercado Revilla si outgoing DepEd Bacoor Schools Division Superintendent Dr. Felizardo Bolanos.

Nagkaroon ng presentation of awards para sa mga nagwagi sa Bacoor Koop Quiz Bee na kinabibilangan nina Marianne Lorain Selorio, Queen’s Row Integrated School (second place), Stephen Daniel Mansueto, UPHR Molino (first place), at Francis Paul Nicdao, UPHR Molino (champion).

Tinanghal din ang mga nangibabaw sa Gabi ng Kooparangal 2019: ang Bacoor City Employees Multi-Purpose Cooperative na pangalawa sa pinakamahusay na kooperatiba sa mga kawani ng gobyerno sa lalawigan ng Cavite at si Ella Guinto na natatanging koop leader sa lalawigan ng Cavite.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani