Ang Taal Volcano ay nagkaroon ng phreatomagmatic eruption (pagputok dulot ng “contact” ng tubig sa ilalim ng bulkan sa mainit na “magma”) ngayong araw, Oktubre 2, mula 4:21 hanggang 4:32 ng hapon.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Taal Volcano simula pa noong Hulyo 11, 2022.
Mariing ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island, ang itinalagang Permanent Danger Zone. Iwasan magpalipad ng “aircraft” malapit sa tuktok ng bulkan.
Manatili sa loob ng bahay at isara ng pinto at bintana para hindi makapasok ang abo o vog, kung mayroon man. Kung kinakailangang lumabas, gumamit ng mask at goggles bilang proteksyon sa mata.
Sumunod sa payo ng mga awtoridad at patuloy na sumubaybay sa mga abiso mula sa DOST-PHIVOLCS.
Mag-iingat po tayong lahat!