Ang Tigdas o Measles virus ay mabilis kumalat sa mga lugar na marami ang mga batang hindi pa bakunado at kung saan madalas sila magkahalubilo. Tandaan walang gamot laban sa tigdas, tanging bakuna lamang ang pinakamabisa at ligtas na paraan laban sa sakit na ito.
Mga magulang at tagapangalaga, PABAKUNAHAN na ang inyong mga anak sa pinakamalapit na Health Center sa inyong lugar. Tiyakin na kumpleto o nabigyan ng dalawang (2) dosis na bakuna kontra tigdas ang inyong mga anak. ‍‍‍
Agad na komunsulta sa inyong healthcare workers kung mayroon mapansin na kasama sa bahay na nakararanas ng ubo, sipon, pamumula ng mata, lagnat, at namumulang pantal. ‘Wag balewalain ang mga sintomas na ito.
!