Binigyang pagpapahalaga ang mga Bacooreñong Nanay sa pamamagitan ng isang
Mother’s Special Seminar na pinamagatang Making Sustainable Business Reachable (MSBR) na ang layunin ay mabigyan ng kaalaman ang mga miyembro ng UGNAY patungkol sa pag-nenegosyo upang makatulong sa kanilang pamilya.
Ang pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola at ng Sangguniang Panlungsod Members ay nagpapasalamat sa Founder ng UGNAY na si Mrs. Chaye Cabal-Revilla at sa mga officers nito na walang sawang nagbibigay ng serbisyo sa mga kababaihang Bacooreño.
Nagpasalamat si Mayor Strike B. Revilla sa mga opisina na nanguna at nag-organisa sa matagumpay na programa, tulad na lamang po nina, Khaye Sanchez – LEDIPO, Consi Rey Fabian, Consi Simplicio Dominguez, Head POPCOM Emilie De Castro, Head PESO Dr. Abraham Domingo De Castro, Head BPLO Christian Gawaran, Community Facilitator DOLE Ms. Dianne G. Digma, Head Livelihood Carmelita Gawaran, Provincial Director DTI Cavite Dir. Revelyn Cortez, Provincial Director DOST Cavite Dir. Gilda S. De Jesus, President BCCI Mr. Jason Atienza, Entrepreneur Ms. Graciela Labrador Cabalan.
Patuloy parin ang proyekto ng UGNAY kasama ang MWELL na nagbibigay ng libreng konsulta, libreng gamot at iba para sa mga kababaihan at kabataan sa Lungsod ng Bacoor.
Dagdag pa rito, nagpapasalamat rin ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa mga sponsors ng MSBR upang maging matagumpay ang Mothers Special noong May 19. Maraming salamat BUN, BDO, BPI, SMART at GAC MOTOR BACOOR.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.