Sa isang demokrasya, boses ng taong-bayan ang mahalaga. Nakapagsalita na ang taong-bayan. Panahon na para igalang at suportahan ng lahat ang desisyon ng taong-bayan. Ang mga nagwagi sa eleksyon ay dapat maging mababang-loob sa tagumpay; at ang hindi naman pinalad ay magkaroon ng mahinahong pagtanggap sa hatol ng bayan.
Ang gawain ng pagkakaisa, pagbalikatan, at pakikipagtulungan ay atin nang balikan at ipagpatuloy. Isantabi na ulit ang pagkakaiba-iba ngkulay sa politika at ang isaalang-alang ay ang kapakanan ng mga mamamayan na dapat ay sama-samang isulong.
The hand I extend to congratulate the winners is the same hand I give to invite everyone to work together for the continued progress and success of our beloved city and people.
Mabuhay and demokrasya! Mabuhay ang Lungsod ng Bacoor!
Bacoor City Mayor Lani Mercado Revilla