Isa sa pinakamalaking selebrasyon ng mga kababaihan ay ang buwan ng Marso, dito ipinapakita ng mga samahan ng mga kababaihan ang kanilang pwersa para ipakita ang kanilang kakayahan sa kahit anong pang palakasan, trabaho at iba pa.
Ang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Cong. Lani M. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola at ng Sangguniang Panlungsod Members ang silang nanguna sa selebrasyon ng Provincial Women’s Month na dinaluhan ng mahigit anim na libong kababaihan na galing sa dalawamput tatlo na Bayan at Lungsod sa Probinsya ng Cavite.
Ang Chairperson ng Provincial Council of Women-Cavite na si Ms. Anne Ferrer ay nagbigay ng kanyang pasasalamat sa mga kababaihang dumalo sa kanilang programa. Nagpasalamat rin ito sa Lungsod ng Bacoor dahil sa matagumpay na selebrasyon para sa mga kababaihan ng Cavite.
Sa mensahe ni Cong. Lani M. Revilla, binati nito ang mga Bayan at Lungsod na dumalo sa selebrasyon ng kababaihan. Isa sa kanyang mahalagang mensahe ang isinabatas na Centenarian Law na makakatulong sa mga Lolo at Lola na nasa edad 80, 85, 90, 95 Years old na makakatanggap ng 10,000 pesos galing sa National Government, ang batas na ito ay pinanukala ni Cong. Lani M. Revilla, Agimat Partylist Bryan Revilla, Cong. Jolo Revilla na siyang pinag tibay ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Senador na ngayon ay pirmado na ni Pangulong Bong-Bong Marcos.
Ang mensahe naman ni Vice Governor Athena Tolentino para sa mga kababaihan ay nag bigay inspirasyon para ipagpatuloy ang pagiging matibay, matatag at malakas na Ina sa isang pamilya.
Nagbigay rin ng Minsahe si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa mga kababaihan ng Cavite, gayun din ang Pangulo ng UGNAY ng kababaihan ng Lungsod ng Bacoor na si Ma’am June Cheryl “Chaye” Cabal-Revilla na siyang nagpaalala na ang kababaihan ay mahalaga sa ating lipunan.
Dumalo rin ang nag-iisang Ms. Regine Tolentino na siyang nanguna sa Zumba, Bradley Holmes ng The Voice Philippines, at Bossrakk Band.
Sa huli, ibinigay ng bawat grupo ang kanilang galing sa pag-sasayaw at tumanggap ito ng 10,000 pesos galing sa pondo ng Provincial Council of Women-Cavite.
Patuloy naman ang pakikiisa ng Lungsod ng Bacoor sa mga Lungsod at Bayan para sa mas maayos at magandang serbisyo sa bawat Caviteño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.