Masayang ipinagdiwang ang buwan ng mga kababaihan sa lungsod ng Bacoor na pinangunahan ng ating butihing Mayor Strike B. Revilla katuwang ang City Social Welfare Development (CSWD ) sa pamumuno ni Mrs. Lilian De Roxas Ugalde.
Ang tema ng programa ay “We for Gender Equality & Inclusive Society”, bilang pakikiisa at pagbibigay-pugay sa mga kababaihang Bacooreña at ang kanilang mahalagang kontribusyon sa ating lungsod.
Nakiisa rin sa pagdiriwang ang UGNAY Chairman, Mrs. Chaye Cabal-Revilla na naglunsad ng bagong organisasyon para mapanatili ang ugnayan ng mga kababaihan sa lungsod ng Bacoor.
Bilang pagpapahalaga sa mga natatanging kababaihan na katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pagbibigay ng serbisyo, sila ay nakatanggap ng “Plaque” bilang pagkilala sa patuloy nilang suporta sa mga programa ng lungsod.
Sa mensahe ni Mayor Strike B. Revilla nais nito na ipatigil ang Prostitute sa lungsod ng Bacoor at gumawa nalang ng programa tulad ng pagbibigay ng hanap buhay o maayos na trabaho para mabago ang kanilang pamumuhay.
Dinaluhan naman ito ni Cong. Lani M. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod ng Bacoor, Department and Unit Heads at Noble Queens of the Universe – Ms. Patricia Javier.
We Strike As One, patuloy nating mahalin at paglingkuran ang lungsod ng Bacoor, Dahil sa Bacoor at Home ka dito.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Maraming salamat po.