Sa ating patuloy na kampanya para sa kaligtasan at kaayusan ng Bacoor, nahuli ang 48 indibidwal na nagbebenta, bumibili, o gumagamit ng fake Bacoor Solidarity Sticker mula July 22-30, 2024.
Ang bawat lumabag ay may multang PHP 5,000 na kailangang bayaran sa loob ng 72 oras upang maiwasan ang kasong kriminal mula sa lungsod.
Mahigpit nating pinapaalala sa lahat na huwag tangkilikin ang mga pekeng produkto na maaaring magdulot ng panganib sa ating komunidad.
Mahigpit na pinalalakas ang mga operasyon laban sa paggamit at pamamahagi ng pekeng Solidarity Stickers dahil layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, na mapanatili ang integridad at seguridad ng sistema ng transportasyon dito sa ating Lungsod.
Let’s STRIKE AS ONE para sa isang ligtas at maayos na Lungsod ng Bacoor.