Noong June 10, 2024, ay idinaos ang ikalawang pagpupulong ng mga Focal Person mula sa iba’t-ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor. Ito ay inorganisa at pinangunahan ng City Information and Community Relations Department (CICRD) sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Lysa Blancaflor.
Tinalakay sa pagpupulong na ito ang mga dapat na gawin na hakbang ng mga kinatawan ng iba’t-ibang departamento para mas maging maayos at kapakipakinabang ang mga inilalabas na impormasyon sa social media na makakatulong sa bawat mamamayan ng lungsod.
Personal din na dinaluhan at nagbigay ng mensahe sa mga ito si Mayor Strike B. Revilla, kung saan kanyang binigyang-diin na dapat lamang magtulungan ang bawat isa nang sa gayon ay mas madaling mailapit ng lokal na pamahalaan ang mga serbisyo at mga programa sa mga Bacooreño.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.