Nasa mahigit walumpung mga Bacooreño ang dumalo sa kauna-unahang pagpupulong ng Bacoor Arts Community noong November 13, 2023, sa 5th floor ng Bacoor Legislative and Resilience Building.
Dito ay binigyang inspirasyon ni Mr. Verlin Santos, Founder of Bacoor Arts Community and Titik Poetry, ang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang mga paaralan at ilang mga hinahangaang Local Artists ng Lungsod.
Kanyang ibinahagi sa mga ito ang kanilang naging karanasan mula noong sila ay naguumpisa pa lamang at ang tagumpay na natatamasa ng kanilang samahan ngayon. Higit sa lahat, nagbahagi rin siya ng kaalaman sa pagtuklas ng mga paraan kung paano makakatulong ang sining sa komunidad, maging ito man sa edukasyon, kultura, o sosyal na aspeto.
Sa kabilang banda, inilahad ni Mr. Kid Leviste ang mga darating pa na mga programa at aktibidad ng Bacoor Arts Community sa susunod na taon. Inaanyayahan din nito ang lahat ng interesado na sumali at makiisa sa kanilang adhikain na mas palaganapin at mas palakasin pa ang Sining sa Bacoor at sa buong bansa.
Gayunpaman, buong pusong nagbigay suporta ang OIC, City Information Head na si Ms. Lysa Blancaflor na binigyang diin ang kahalagahan ng sining sa ating Lungsod. Gayundin si Mr. Edwin Guinto, head of Tourism Office na nagpahayag din ng kanyang mensahe.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mahal na Mayor Strike B. Revilla sa mga ito sa pamamagitan ng mensahe na ipinabatid ni LEDIPO Head Ms. Khei Sanchez.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.