Noong July 18, 2023 isinagawa ang UGNAYAN SA BARANGAY kasama ang mga Bacooreño mula sa Sineguelasan, Alima, at Banalo na ginanap sa Strike Gymnasium.
Pinangunahan ito nina Mayor Strike B. Revilla, Governor Jonvic Remulla, Board Member Ram Revilla-Bautista, Board Member, Edwin Malvar, bumubuo ng Sangguniang Panlungsod, Liga ng mga Barangay, at Atty. Jastine Dela Cruz, mula sa COMELEC-Bacoor.
Nagkaroon ng Voters Education para ipaliwanag at ituro ang mga dapat gawin sa araw ng plebisito na gaganapin sa July 29, 2023. Nais ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na iparating sa ating mga kababayang Bacooreño kung gaano kahalaga ang Barangay Merging. Nagkaroon din ng palaro at namigay ng bigas at pagkain para sa mga dumalo.
Inorganisa ang programang ito ng Provincial of Cavite sa pangunguna ni Gov. Jonvic Remulla na dinaluhan ng mga LGUs, Department Heads, Punong Brgy. Caridad J. Sanchez ng Brgy. Sineguelasan, Punong Brgy. Miguelito F. Giron ng Brgy. Alima, Punong Brgy. Wilma S. Camisin ng Brgy. Banalo, at kasama na rin ang kanilang Brgy. Officials.
Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, at ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola sa suportang ibinibigay ni Governer Jonvic Remulla sa Plebisito sa Lungsod ng Bacoor.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.