Naging makabuluhan ang isinagawang Ugnayan sa Barangay noong July 7, 2023. Nabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Barangay Talaba 4, 5, at 6 na makisaya at makihalobilo kasama ang Gov Pogi ng Probinsya ng Cavite na si Governor Jonvic Remulla.
Naging magandang pagkakataon din ito upang ibahagi ni Gov. Jonvic sa mga mamamayang Bacooreño ang kanyang opinyon at pananaw sa isinasagawang Brgy. Merging dito sa ating Lungsod. Kung saan ay mahusay niyang inilahad ang mga detalye at layunin ng panukala, at ang magagandang maidudulot nito sa mamamayan ng Bacoor. Dahil dito nagkaroon ng malinaw na kaalaman at pagunawa ang mga tao sa mga dahilan at benepisyo ng mga isasagawang pagbabago.
Bilang pagbibigay suporta sa Ugnayan sa Barangay na isinasagawa ng Provincial Government of Cavite, dinaluhan ang programang isinigawa kahapon sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Congresswoman Lani Mercado Revilla, Congressman Bryan Revilla, Board Member Ram Revilla Bautista, Board Member Edwin Malvar, at ng Sangguniang Panlungsod members.
Binigyan din ng pagkakataon ang mga Punong Barangay ng Talaba 4, 5, at 6, na sina Brgy. Captain Arnold G. Venico, Brgy. Captain Rogelio A. Miranda, at Brgy. Captain Rogacion JR., na maglahad ng kani-kanilang mga opinyon at mensahe ukol sa plebesito at barangay merging.
Bukod dito ay nagkaroon din ng mga palaro at pamamahagi ng bigas at pagkain para sa lahat ng mga nakiisa sa isinagawang ugnayan sa barangay.
Tayo po ay magpatuloy sa pagsulong ng ating lungsod tungo sa isang mas maganda, mas maunlad, at mas makabuluhang kinabukasan AS WE STRIKE AS ONE, DAHIL SA BACOOR, AT HOME KA DITO.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.