BACOOR CITY – Sa patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kabataan ng lungsod, naglunsad ang City Population Office o Popcom ng U4U Facilitators’ Workshop at Teen Trail Seminar noong Sabado, ika-14 ng Oktubre, 2023. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan nina Mayor Hon. Strike B. Revilla at Ms. Emillie De Castro, ang punong opisyal ng City Population Office, at idinaos sa Bacoor National High School – Main Campus.
Ang nasabing seminar ay naglalayong bigyan ang mga kabataan ng Bacoor ng kahalagahang impormasyon kaugnay ng pagkilala sa kanilang sarili, paggawa ng tamang mga desisyon ukol sa mga kaibigan, relasyon, edukasyon, at kanilang pamilya. Layunin rin ng programa na ipahayag ang mahalagang papel ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, nutrisyon, at proteksyon para sa mga kabataang Pilipino.
Kabilang sa mga pangunahing adhikain ng workshop at seminar ay ang pagbibigay ng kamalayan sa mga kabataan tungkol sa teenage pregnancy at mga impeksiyong nakukuha ng kabataan, kabilang na ang HIV/AIDS. Sa pamamagitan ng impormasyong ibinahagi ng mga kaguruan, mga eksperto at kawani ng pamahalaang lungsod ng Bacoor tulad nina Ms. Khei Sanchez-Javier, kinatawan ni Mayor Strike B. Revilla, Dr. Babylyn Pambid, Dr. Theodore A. Gloriani, at Cheryl Marie A. Malayang, nais ng Popcom na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga kabataan upang maiwasan ang mga negatibong epekto ng hindi tamang pakikipag-ugnayan at ang mga banta sa kalusugan ng kabataang Pilipino.
Lubos ang pasasalamat ng Popcom sa mga opisyal, kagawad, at iba pang mga indibidwal na nagbigay-suporta at nagpartisipang aktibong sa nasabing programa. Patuloy ang pagtataguyod at pagsusulong ng mga aktibidad na naglalayong pangalagaan ang kapakanan at kinabukasan ng mga kabataan sa lungsod ng Bacoor.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa City Population Office official facebook page.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.