August 13, 2024, pinangunahan ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. at ni Cong. Lani M. Revilla kasama sila Vice Mayor Rowena B. Mendiola, BM Ram Revilla at Sangguniang Panlungsod Members ang pamamahagi ng tulong pinansyal at relief goods sa 566 na pamilya na naapektuhan ng sunog sa Barangay Zapote 3.
Patuloy ang pakikipag tulungan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla sa opisina ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. at Cong. Lani M. Revilla para maibigay ang tulong na kailangan ng mga nasunugan.
Sa mensahe ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang naibigay ngayon ay pang-unang tulong palang at masusundan ulit ito sa mga susunod na buwan.
Sa ngayon mananatili parin ang mga nasunugan sa mga evacuation center hanggang wala parin silang malilipatan o matitirahan na bahay.
Patuloy naman na naka-monitor ang City Social Welfare and Development (CSWD) sa mga evacuation center para mas madaling maibigay ang pangangailangan ng mga BacooreƱong nasunugan.