Sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, kasama ang City Social Welfare and Development Office (CSWD), isang matagumpay na pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga residente ng Bacoor ang naganap noong ika-23 ng Mayo, 2024, sa Revilla Hall.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang humigit-kumulang na 221 na mga Bacooreño mula sa iba’t ibang barangay, kasama ang mga opisyal ng lungsod at mga kinatawan ng barangay. Kasama rin sa mga bisita si Konsehal Palm Buncio, ang kasalukuyang SK Federation President.
Ang layunin ng pagtitipon ay ang pamamahagi ng tulong pinansyal, medikal, at panglibing sa mga nangangailangan. Sa pangunguna ni Mayor Revilla, ipinaalala rin ang mga ordinansa at mga proyektong pangkalahatan ng City Government ng Bacoor. Kasama na rito ang 4-Day Workweek, pagpaparehistro ng mga botante sa Comelec, Centenarian Act, Revilla Law, Universal Healthcare (Philhealth), curfew, liquor ban, at mga hakbang laban sa mga isyu tulad ng El Niño at pertusis outbreak.
Sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang, patuloy na naibibigay ng lokal na pamahalaan ng Bacoor ang serbisyong may puso para sa kanyang mga mamamayan, patungo sa isang mas maunlad at ligtas na komunidad.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.