Noong Setyembre 11, 2024, pinangunahan ni Gobernador Jonvic Remulla ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mahigit 400 na pamilya, na unang batch sa pamilyang nasunugan sa ating lungsod. Ang limang libong (5,000) piso na tulong ng Pamahalaang Lalawigan ng Cavite ay pauna pa lamang dahil magtutulong-tulong pa ang Lokal, National, at Lalawigan para makapagbigay pa ng mga kailangang tulong sa mga biktima ng sunog.
Kasama ni Gobernador Jonvic Remulla ang mga pinuno ng Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Board Member Ram Revilla, Sangguniang Panlungsod Members, at si Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist.
Sa ngayon, patuloy ang pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at Pamahalaang Lalawigan ng Cavite para matulungan ang mga pamilyang nasunugan sa ating Lungsod.
Patuloy tayong mag-ingat para sa ating kaligtasan.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.