Ngayong araw nagsagawa ng training on the Establishment of registry of Barangay Inhabitants and migrants (RBIM) ang Bacoor City Population Office para maibigay sa bawat Barangay ang mga hakbang at pamamaraan na gagawin, para makuha ang tamang datos na kailangan ng Commision on Population & Development.
Dalawang araw tatagal ang pagsasanay simula kahapon April 25, 2023 hanggang ngayong araw April 26, 2023 na dinaluhan ng mga Barangay Kagawad, Secretary, at Encoder.
Layunin ng pagsasanay na ito na maintindihan ang kahalagahan ng sistema tungkol sa paglikom ng datos ng populasyon sa isang Barangay o Lungsod.
Ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang City Population Office sa Pamumuno ni Ms. Emily De Castro ay patuloy na makikipag tulungan sa Commission on Population & Development – Region IV-A para mas mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayang BacooreƱo.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.