Matapos dumaan ang isang maulang linggo, nagpatuloy ang aming 3-araw na Digital Literacy Training, isang programa na libreng inihahatid sa atin ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at ng Department of Information and Communications Technology upang linangin ang ating kaalaman sa paggamit ng digital technology.
Ang mga trainees ay sumailalim sa tatlong araw na pag-aaral at hands-on activities sa paggamit ng Microsoft Word, Excel, PowerPoint, at ng Canva.
“Sa ating mga trainees, maraming salamat sa inyong pagtitiyaga sa kabila ng masamang panahon. Nawa’y nakatulong ang programang ito sa inyo at magamit ang inyong mga natutunan sa Bacoor Computer Center, at patuloy ninyo pang palawakin ang inyong mga kaalaman.” – We StrikeAs1, Dahil sa Bacoor, At Home Ka Dito!