Sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng pagkakasilang ng Bacoor bilang lungsod, isinasagawa ang isang malawakang trade fair sa Waltermart, Bacoor Boulevard mula Hunyo 14 hanggang Hunyo 20, 2024, mula 10:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.
Ang naturang event ay inorganisa ng City Livelihood Department na pinamumunuan ni Ms. Carmelita Gawaran. Kabilang sa mga kilalang personalidad na dadalo sa pagbubukas ng trade fair ay sina Mayor Strike B. Revilla, Konsehal Rey Palabrica, Ms. Carmelita Gawaran (City Livelihood head), Ms. Lilibeth Chavez (OIC Provincial Director ng DTI Cavite), Ms. Revelyn Cortez (OIC Assistant Regional Director ng DTI Cavite), Mr. Carlo C. Osuna (Mall Manager ng Waltermart), at Ms. Khei Sanchez (Ledipo Head). Magkakaroon din ng espesyal na video message mula kay Kongresista Lani M. Revilla at dasal mula kay Pastor Mike Bautista.
Ang trade fair na ito ay nagtatampok ng iba’t ibang produkto ng mga lokal na negosyante mula sa Bacoor. Sa kategoryang pagkain, tampok ang Toclonganisa, Nutribun, Tahong Chips, Manglods Fruit Shake, Mhybetty, Delfas, Farms Delight, Sonya’s Garden, Jalees Mushroom Chips, Original DIGMAN Halo-Halo, House of Rising Delicacies, Cafe AmadEO, at iba’t ibang produkto ng Tinapa. Tampok din ang mga produkto mula sa BJMP Male, BJMP Female, Hiyasmin Cosmetic Product, Ronimar Scent, at Trixie Dhel’s Loom Weaving.
Sa temang “Tuloy tuloy ang pag asenso sa Strike Sa Serbisyo. Aangat ang negosyo,” layunin ng trade fair na ito ay ang isulong ang mga lokal na produkto ng mga Micro-Small Medium Enterprises (MSME) ng lungsod. Ang event na ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga Bacooreno MSME na ipakilala at ipromote ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang lugar sa loob ng Bacoor, upang mapalawak ang kanilang merkado at mapalakas ang kanilang benta.
Sa pagtatapos ng trade fair, magkakaroon din ng awarding ng mga sertipiko sa mga kalahok bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at kontribusyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng Bacoor. Ang trade fair na ito ay hindi lamang isang pagdiriwang ng tagumpay ng Bacoor sa loob ng 12 taon, kundi isang pagkakataon din para sa mga lokal na negosyante na umangat at magtagumpay. Hinihikayat ang lahat na dumalo at suportahan ang mga lokal na produkto ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.