Proteksyon sa panahon ng sakuna at sa oras ng krisis, ang Price Freeze ay nagsisilbing kalasag ng mamimili, bilang panandaliang pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin upang mapanatili ang abot-kayang pamumuhay.
Alinsunod sa Price Act (RA 7581), ito’y automatic na umiiral kapag may deklaradong State of Calamity, at tumatagal ng 60 araw maliban kung palawigin o bawiin.
Sa ganitong hakbang, matitiyak na may access ang bawat pamilya sa pagkain, gamot, at iba pang pangangailangan sa tamang halaga.
Sama-sama nating bantayan ang kapakanan ng mamimili.