Bacoor City, Hulyo 9, 2025 — Bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsuporta sa edukasyon, isinagawa ng City Government of Bacoor sa pangunguna ng Team Revilla ang pamamahagi ng cash incentives sa 2,475 na honor students mula sa Junior at Senior High School Division ng lungsod. Katuwang ng lokal na pamahalaan ang DepEd Bacoor sa pangunguna ni Dra. Babylyn Pambid, School Division Superintendent, na kinatawan ni Dr. Cesar Mojica, Chief ng School Governance & Operation Division, sa programang ginanap sa Strike Gymnasium.
Ang mga benepisyaryo ay binubuo ng 1,165 na Junior High School at 1,310 na Senior High School honor students ng Bacoor. Dumalo sa programa sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Congresswoman Lani M. Revilla, at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod upang ipakita ang kanilang suporta sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya.
Layunin ng proyektong ito na kilalanin at gantimpalaan ang kahusayan ng mga Bacooreno sa larangan ng akademya. Ang pamamahagi ng insentibo ay patunay ng matibay na pagtutulungan ng Team Revilla, na pinangungunahan nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Congresswoman Lani Mercado Revilla, Congressman Bryan Revilla ng Agimat Partylist, at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod upang higit pang paunlarin ang edukasyon sa lungsod.