Bacoor City, Hulyo 9, 2025 — Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, katuwang ang DepEd Bacoor sa pangunguna ni School Division Superintendent Dr. Babylyn Pambid, ang pamamahagi ng cash incentives sa 1,592 na honor students mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod. Ginawa ang programa sa Strike Gymnasium.
Dumalo sa okasyon sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Congresswoman Lani M. Revilla, mga konsehal na sina Mike Bautista, Eric Ugalde, at Horacio Brilliantes, SK President Palm Buncio, at si Dr. Cesar Mojica, Chief ng School Governance & Operation Division. Kasama rin ang mga punong-guro, guro, at mga magulang upang kilalanin ang tagumpay ng mga mag-aaral.
Ang programa ay suporta ng Team Revilla na pinangungunahan nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Congresswoman Lani Mercado Revilla, at Congressman Bryan Revilla, kasama ang buong Sangguniang Panglungsod ng Bacoor, na layuning hikayatin at gantimpalaan ang kahusayan ng mga kabataang mag-aaral sa Bacoor.