Bacoor City, Hunyo 19, 2025 – Naglaan ng tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike Revilla para sa 35 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Talaba 2. Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pamumuno ni Ginang Emiliana Ugalde, ang pamamahagi ng mga relief goods at pinansiyal na tulong sa Bacoor National High School Maliksi Annex.
Dumalo rin sina Konsehal Noly Galvez, Konsehal Erick Ugalde, Konsehal Horacio Brilliantes, Pangulo ng Liga ng mga Barangay (LnB) na si BM Rafael Paterno III, Pangalawang Pangulo ng LnB na si Konsehal Randy Francisco, Pinuno ng BDRRMO na si G. Richard Quion, Kapitan Ferdie Bañas ng Barangay Talaba 2, at Kapitan Louie Ronald Ugalde ng Barangay Maliksi 1 para suportahan ang nasabing relief operation. Ipinapakita nito ang pagtugon at malasakit ng lungsod sa mga nasalanta.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.