Matagumpay na isinagawa ang 24th BACEMCO General Assembly and Election of Officers noong March 21, 2025 (Friday). Dumalo ang maraming miyembro upang makilahok sa mahalagang pagtitipon na naglalayong patatagin at palaguin pa ang ating kooperatiba. Bukod sa mahahalagang usapin, isa sa mga pinakaabangang bahagi ng event ay ang paraffle, na nagbigay ng kasiyahan at sorpresa sa mga miyembro bilang pasasalamat sa kanilang patuloy na suporta.
Sa ginanap na eleksyon, napili ang mga bagong halal at mga na-reelect na opisyal ng BACEMCO, na patuloy na mamumuno sa pagpapalakas at pagpapaunlad ng ating kooperatiba. Ang mga nanalong opisyal ay:
👉Board of Directors:
1. Alfonzo AzaƱa
2. Vicente Lazaro
3. Dra. Ella Mae Gandia
4. Remedios Santero
👉Audit Committee:
1. Clari Belle Medrano
2. Floren Pama
3. Menandro Cristobal
👉Election Committee:
1. Jonathan Bautista
2. Mariza De Leon
3. Harold Medina
Lubos ding pinasalamatan si Ms. Jovita Diola, ang outgoing Board of Director, sa kanyang tapat na paglilingkod at dedikasyon sa BACEMCO. Salamat sa lahat ng dumalo at patuloy na sumusuporta sa BACEMCO! Sama-sama nating palakasin at pagandahin ang ating samahan para sa mas maraming oportunidad at benepisyo sa bawat miyembro.