CITY OF BACOOR, Cavite – Higit 100 assorted vegetable seed packages at guyabano seedlings ang libreng ipinamahagi ng Office of the Agricultural Services (OAS) ngayong araw, ika-12 ng Hulyo 2025, sa mga nagsipagdalo sa 51st Nutrition Month Celebration na ginanap sa Stike Gymnasium.
Nagsimulang mamahagi ang mga kawaning naatasan sa aktibidad ganap na 2:00 ng hapon na agad namang dinagsa ng mga BacooreƱong nais makapagsimula ng kani-kanilang home garden.
Naniniwala ang OAS na bagamat maliit na bagay lamang ang naipamahagi, magsisilbing pa rin itong malaking tulong sa komunidad sa pagkakaroon ng tunay at masustansyang pagkain.