Kung ikaw man ay musikero, pintor, makata, mang-aawit, manunulat, mandudula, content creator, gamer, cosplayer, filmmaker, mananayaw o kahit na ano basta nasa larangan ng paglikha, para sa ating lahat ang pagdiriwang na ito.
Sa bisa ng REPUBLIC ACT NO. 11904 o Philippine Creative Industries Development Act, isinusulong nito ang pagsuporta sa mga manlilikhang Pinoy. At sa pangunguna ng City Government of Bacoor, inaanyayahan ang lahat sa paparating na pinakamalaking arts event sa Bacoor City. Libre lamang ito para sa lahat!
Abangan ang iba pang anunsyo patungkol sa mga paparating na pagdiriwang ng sining! Sa ngayon, maaari muna kayong magregister sa link na ito para makatanggap ng imbistasyon galing sa amin: https://forms.gle/KpNPxcVzmKJHy6fQ7
Maraming salamat!