Isinagawa ang buwanang pagpupulong ng Liga ng mga Barangay (LNB) na pinangunahan ni ABC Pres. Board Member Kap. Rafael V. Paterno III na ginanap sa Strike Multipurpose Hall sa Bacoor Government Center (BGC).
Unang pinag usapan ang preperasyon sa Barangay Day kung saan maraming programa at aktibidad ang gagawin para sa mga Barangay.
Pinag usapan rin dito ang pagbabayad ng Business Permit and Licensing kung saan dapat mahikayat ang ating mga kababayan BacooreƱo na mag aplay ng Business Permit at License para sa legal na negosyo at iba.
Dumalo naman sa pagpupulong ang ibat-ibang head ng Departamento kung saan sila mismo ang nagpaliwanag at nag bigay ng kaalaman sa mga Punong Barangay para mas maging maliwanag ang mga gagawin pag dating sa Barangay.
Councilor Bok Nolasco, Mr. Joseph Ryan V. Geronimo. CLGOO, Mr. Lawrence, BPLO, Ms. Angie Cariaso, LYDO, Ms. Theresa Calo, CESD, CSWD, Ms. Tina Villafranca, City Budget.
Ang pagpupulong ng Liga ng mga Barangay ay isang hakbang para mas magampanan ng bawat Barangay sa Lungsod ng Bacoor ang kanilang trabaho at serbisyo para sa mga nasasakupan ng bawat Punong Barangay.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.