Bacoor City, November 13, 2024 – Matagumpay na naipamigay ng City Government of Bacoor, sa pamamagitan ng Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) na pinamumunuan ni Atty. Venes De Castro, ng City Social Welfare and Development Office (CSWD), at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang social pensions sa 813 indigent senior citizens ngayong araw.
Ang payout, na ginanap sa Daang Bukid Covered Court, ay sakop ang buwan ng Oktubre, Nobyembre, at Disyembre 2024. Ang event na ito ay isang collaborative effort na pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Cong. Lani Mercado Revilla, at Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist.
Ang initiative na ito ay patunay ng dedikasyon ng City Government of Bacoor sa pag-aalaga sa kanilang mga senior citizens. Layunin nitong magbigay ng financial assistance sa mga nangangailangan, para matulungan silang matustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay. Patuloy na nagsusumikap ang City Government of Bacoor na masiguro na nakukuha ng mga senior citizens ang suporta na kailangan nila para magkaroon ng masaganang buhay.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.