Noong August 25, 2024, matagumpay na ginanap ang “Sing Bacoor, Rise as One Choral Clinic” sa Bacoor, sa ilalim ng pamumuno ng HOPE Project, na pinangungunahan ni Doc Ma. Cristina Alberto at sinusuportahan ng ating mahal na Mayor Strike B. Revilla. Ang choral clinic ay bahagi ng inisyatiba ng National Commission for Culture and the Arts, na naglalayong palakasin at pagyamanin ang kultura ng pagkanta sa komunidad. Nagtipon-tipon ang iba’t ibang choir mula sa Bacoor at mga karatig-pook upang magbahagi ng kanilang talento at mapalawak ang kanilang kaalaman sa larangan ng choral music.
Bukas ang workshop na ito sa mga nais matuto tuwing Sabado at Linggo mula Agosto 24 hanggang Setyembre 7, 2024.
Ang nasabing choral clinic ay hindi lamang nagtapos sa pagpapakita ng talento kundi naging isang mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng mas matibay na komunidad ng mga mang-aawit sa Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.
SHARE
Previous articleHappy National Heroes’ Day