Sa patuloy na pagsusumikap ng Team Revilla para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Bacoor, matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng bigas noong ika-30 ng Agosto 2024, sa Habay 1 Covered Court. Ang kaganapang ito ay pinangunahan ng Team Revilla, kasama sina Senator Ramon Revilla Jr., ang ina ng Bacoor Congresswoman Lani Mercado Revilla, at ang ating masipag na 24/7 Mayor Strike B. Revilla.
Mahigit 2,000 BacooreƱo ang nakatanggap ng bigas sa nasabing programa, na nagpapakita ng dedikasyon ng Team Revilla sa pagtulong sa mga mamamayan ng Bacoor. Dumalo rin sa kaganapan sina Konsehal Mike Solis, Kuya Noly Galvez ng City Officer BDRRMO, Kapitan Robert Castillo Sr. at ang Barangay Council ng Habay 1, at Ms. Athena Louie Cenizal, SK Chairperson, kasama ang SK Council.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Team Revilla upang masigurong natutugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilyang BacooreƱo, lalo na sa mga panahong may krisis. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga opisyales ay muling pinatunayan sa matagumpay na pamamahagi ng bigas na ito.
Please like and follow our official social media accounts:
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.