Noong Agosto 03, 2024, puspusan ang paghahanda at paglalagay ng mga Oil Spill Booms sa area ng Bacoor Bay na may lawak na 957.41 hectares.
Ang Oil Spill Booms ay isang paraan upang mapigilan ang pag pasok o pagkalat ng langis sa Bacoor Bay at magiging malaking pinsala sa ating Mangrove Area na may lawak na 40 hectares. Kaya’t tayo ay magtulungan upang hindi mapinsala ang ating iniingatan Mangroove Area.
Nakapag lagay na rin ng 100 meters na Oil Spill Booms na nakapalibot sa ating Mangroves Area na nag mula sa PCG Station ng Bacoor sa pamumuno ni Commander Nelson Ong.
Mga Bacooreño, kailangan po ng ating lungsod ang tulong ng bawat isa NGAYON. Kaya naman,
Used Plastic Bottles mong DONASYON,
Gawin nating SOLUSYON.