Noong May 02, 2024, inorganisa ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Local Government Unit (LGU) ng Bacoor ang pagbibigay ng Certificate of Commendation sa Lungsod ng Bacoor sa pagkakaroon ng programa tungkol sa Electronic Business One-Stop Shop o E-Boss, sinamahan rin nito ang magbibigay orientation at mandato patungkol aa ARTA at Citizen Charter.
Ang event na ito ay pinangunahan nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, Hon. Ernesto Perez na sekretarya ng ARTA, at Doc Karl Joseph Sanmocte na ARTA’s Southern Luzon Regional Head, at mga Councilors na sina Hon. Adriel Gawaran, Hon. Rey Palabrica, Hon. Alex Gutierrez, at Hon. Levi Tela.
Ang mga panauhin ng naturang event ay Local Government Unit (LGU), Department of the Interior and Local Government (DILG), focal persons, at department heads at employees.
Ang ARTA ay isang agency ng Office of the President na naatasang mangasiwa at mag-implementa ng national policy sa pagnenegosyo at anti-red tape sa bansa. Ang Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 ay isang batas na naglalayong maging efficient ang kasalukuyang sistema at pamamaraan ng gobyerno.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.