Pinangunahan nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa 700 na Bacoreño na nangangailangan ng tulong medikal at sa paglilibing. Ang inisyatiba ay suportado ng Pamahalaang Lungsod sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development (CSWD) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), na nagbibigay ng malaking tulong sa mga Pilipino.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Strike B. Revilla ang mga hamon sa pangangalaga ng aso, kung saan halos 200 na pasyente kada araw ang nagpapaturok ng Anti-Rabies sa City Health Office (CHO) at Southern Tagalog Regional Hospital. Inihayag din niya ang patuloy na kampanya laban sa Liquor Ban at Curfew. Samantala, nagpaalala si Vice Mayor Rowena B. Mendiola sa pangangailangan ng mahigpit na pangangalaga sa kalusugan, lalo na sa panahon ngayon.